Kasaysayan ng Pilipinas
May akda: Eric C. Claudio, Teodora Luz Soto Mangahas
Ang pag-aaral ng kasaysayan ay hindi kalugod-lugod sa karamihan ng mag-aaral na kumukuha ng asignaturang ito. Subalit sila ay kinakailangang kuhanin ito upang ipasa at tapusin ang kanilang kurso. Sa dahilang ito, ang mga may akda ng aklat na ito ay pinilit at pinagsikapang talakayin ang kasaysayan ng Pilipinas sa pinakamadali at kalugod-lugod na pamamaraan.
Ang pagiging Pilipino ay hindi lamang ang pagsilang at pamumuhay sa Pilipinas bagkus ito ay ang pagkakaalam ng kanyang pinagmulan at tuloy ang kanyang patutunguhan. Kung ang bawat Pilipino ay clam ang kanyang kasaysayan, marahil ay ni sa guni-guni ay hindi niya nanaisin na ito ay talikuran at talikdan. Mayaman ang kasaysayan ng Pilipinas sa mga magaganda at kaakit-akit na gunita, ito ay parang terra ng pelikula na bumangon sa kanyang pagkakalugmok upang durugin ang kanyang mang-aapi at tuluyang tumayo sa kanyang sariling mga paa.
Ang kasaysayan ng isang bansa ay kapupulutan ng maraming anal at kaalaman na maaaring gawing batayan ng mga susunod na henerasyon. Ito ay magsisilbing pamantayan at lakas ng boob upang ipagpatuloy ang buhay na nasimulan kahit na sa kanyang tingin ay may mga balakid na nagtutulak sa kanyang maging tuliro sa kanyang pagkatao bilang mamamayan rig kanyang bansa.
Sa ating pag-aaral ng kasaysayan, matutuklasan nating lahat – lahat ng bansa gaano man kaunlad ay may pinagmulang kahirapan at kabiguan at gaano man kalakas ay may kagustuhang maging malaya o patuloy na maging malaya. Ang Pilipinas ay hindi kaiba sa lahat ng bansa, dumaan ito sa ib'at ibang pagsubok ng panahon tulad ng mga rebolusyong madugo at pati na rin ang mapayapa. Mababatid na ang Pilipinas ay may kasaysayang binigyang kulay at bahid ng iba't ibang bansa sa kanluran at silangan na sumakop at nag impluwensiya dito. Bagamat ang mga bansang ito ay nagbigay ng bagong kabihasnan sa ating bansa subalit hindi nangangahulugang tayo ay wala pang kabihasnan bago pa man dumating ang mga mananakop.
Sa boob ng mahabang panahon, ang Republika ng Pilipinas ay nagkaroon ng labing apat na pangulo at sa bawat pamumuno ng mga ito ay masisilayan ang pagkabigo at pagtatagumpay ng kanilang mga hakbangin upang itaguyod at paunlarin ang ating bansa. Sa boob ng mga panahong ito ay matutunghayan natin ang pagbulusok at pagbangon ng ating bansa. Magugunita ang panahon ng diktadura ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na halos dalawampu't dalawang taon subalit tinapos lamang sa boob ng apat na araw ng isang mapayapang rebolusyon. Dagdag pa dito, ang pamumuno ni Pangulong Joseph E. Estrada na
diumano'y punong-puno ng katiwalian.
Sa ilalim ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na siyang pumalit kay Estrada ay patuloy ang mga hamon sa ating bansa. Patuloy ang paglaban, pagsisikap at patuloy ang paggawa ng kasaysayan ng Pilipinas.
Isang panaginip na sandy lahat ng Pilipino scan mang panig ng mundo ay magkaroon ng kaalaman at interes sa kasaysayan ng kanyang bansa sapagkat dito lamang nya malalaman ang kanyang patutunguhan at tuloy maiwasan ang mga pagkakamali ng kanyang mga ninuno. Masarap ihatid sa susunod na henerasyon na ang kasalukuyang Pilipino kagaya mo at ako ay ginawa ang dapat gawin upang mahalin ang ating bansa sapagkat tayo ay may magagawa ngayon at ito ay ating gagawin.
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakasalalay sa pagkakaalam niya ng kanyang kasaysayan. Ayon nga sa ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, “Ang Pilipinas ay hindi maunlad kaya ang mga Pilipino ay tinatamad”. Samakatuwid, kung ang Pilipinas ay maunlad, ang mga Pilipino ay magkakaroon ng pagkakataon upang ipakita ang kanilang buong talento para dito.